mala Marian Rivera sa ganda kaso palya sa hininga
Problem/Goal: Ang problema ko 'yung kaibigan ko mabaho ang hininga. Hindi ko alam kung paano sasabihin sakaniya kasi madamdamin siya sa lahat ng bagay and dadalhin niya habang buhay ba.
Context: I'm not joking when I say carbon-copy talaga siya ni Marian Rivera from hugis bigas na mukha, tangos ng ilong, smile, and eyes. Perfect na sa kalookalike si sister. Hindi naman ako laway concious kaya lang kapag mag-share kami ng inumin parang nalalasahan ko 'yung laway niya tas naamoy ang baho parang morning breath huhu. Ang hilig pa niyang tumawa tas bumulong bulong kaya kapag ganoon no hingahan challenge muna ang ferson na i2. May mga tao talaga yatang hindi aware sa sarili nilang amoy, nasabihan din kasi siya nung kaklase namin na ang baho ng damit niya ganda pa naman pormahan niya non.