Naglilinis ba mga TUPAD?
May shop kami sa tapat ng school na napapalibutan ng acacia trees. Habang nag wawalis ako nag arrive mga tupad na may dala dalang walis at garbage bag.
Nag labas ako ng plastic cups and isang gallon ng water para pag may nauuhaw. Lumilipas oras hindi parin sila naglilinis. Tapos ko na yung harap ng shop namin, nag kukumpulan pa sila. Mayamaya may nag tawag ng group pic at nagpapicture sila sa harap ng gate ng school. After picture nagpirmahan then umuwi hahahahhaha
Wala ni isa nagwalis, yung iba nakikipag kwentuhan habang nag wait sila ng turn pumirma. Tapos pag alis nila aprang mas dumami pa kalat.
Kinabukasan Nakita ko ulit sila malapit sa location namin, grabe di din sila nag linis nag picture taking lang.
Ganito din mga mga TUPAD sainyo?