Please choose a man to be your baby’s father
Kung pwede lang bumalik sa past para iba nalang naging tatay ng mga anak ko. Ang hirap kapag immature at hindi nakaranas ng ibang kipay yung inasawa mo. Pinanindigan ka nga, para ka namang may isa pang batang alagain.
Kaya ikaw, kung pipili ka ng magiging tatay ng anak mo, iwasan mo tong mga red flag na to.
Hindi marunong magset ng priorities. Girl, kung magjowa palang kayo hindi na nya alam priorities nya, asahan mo nang kapag nagkaanak kayo, emotional and physical efforts 90% manggagaling sayo. Baka unahin pa nyan magpunta sa outing kahit may sakit ka o anak mo. O kaya iwan ka habang stressed sa pag aalaga habang nagpapakasaya sya sa gala or worst, sa pambababae.
Usually won’t take no for an answer. Sa sex or khit sa ibang bagay. Sobrang red flag na hindi ka binibigyan ng option to say no. Na nagagalit kapag nag-no ka. Girl, run.
Gets mad kapag nag oopen ka ng nararamdaman mo or ng observation mo about him. It’s so sad na sa isang relasyon, the only chance you can tell the other person what you really feel is when you’re fighting. Para kang mag isa lang kahit dalawa naman kayo talaga dapat.
So girls, please please please choose wisely kung sino magiging tatay ng future kids nyo.
I was blinded for so many years pero I’ve decided to finally choose me and my 3 kids. Nag-aantay lang ako ng right timing at lakas ng loob para tuluyang maglaho. This time, wala ng sorry-ng makakapigil.
Sana lahat ng nasa sitwasyon ko, matauhan na rin. Let’s all choose ourselves and the happiness and sanity of our kids.