MCA: Gusto ko silang maghiwalay

Gustong gusto ko 'tong lalaki. To the point na minsan hinihiling ko na maghiwalay sila ng GF niya. Oo, ang sama ko na. First time ever in my life na umabot sa ganito ang kalandian ko sa katawan.

We just met online. Galing kami sa same circle and community. Noong first time namin mag-usap, after a few talks, nagka-vibe agad kami. Sobrang attracted ako kasi ang ganda ng taste niya. I like his profile, values, interests, at ang dami namin similarities.

Millennial siya, nasa tito age, 8-10yrs yata ang gap namin. Yung GF niya ka-age niya lang din, 2-3 years gap. Actually di naman siya pogi, di sya conventionally attractive, at ang tawag sa kanya: "medyo pangit". Pero the way he carries himself, poging pogi ako hahaha

First time ko magkagusto nang ganito sa guy. Hindi rin ako yung pala-amin sa feelings type pero ngayon nasasabi ko sa sarili ko na kung wala lang gf to umamin na ako agad na gustong gusto ko siya hahaha.

Wala naman akong balak agawin. Wala rin ako balak na magmicro landi. Just staring from afar. Although nagmumukha akong abangers lol

Ayun lang. Para di ako makasira ng relasyon (wow), iniiwasan ko nalang siya. Ever since March this year, di ko na siya kinakausap. May little interactions online pero hanggang dun lang. Pero ngayon attracted pa rin ako at nahihiya sa kanya. Paano pa kaya pag nagmeet kami sa mga event? hays :(

Iniisip ko nalang all negative things na pwede kong makita para mawala yung attraction ko. Or di kaya naghahanap ng ibang magugustuhan. lol.

Nakakafrustrate na lagi akong nakakaattract ng mga may jowa na. Halos lahat ng lumalapit sakin, later on nalalaman ko may jowa. Hirap kaya magpakasanto at umiwas.

Sana kasi pag may jowa at committed na, di na kumikilala ng iba e.